Linggo, Enero 5, 2014

Ikaw? May New Year's Resolution ka na ba?!

BLOG ENTRY #2


Bagong Taon na naman! At uso sa ating mga Pinoy na kapag Bagong taon, kailangang lahat bago, kumbaga isang bagong simula. Isa sa mga pinaghahandaan natin 'pag bagong taon ay ang: NEW YEAR'S RESOLUTION

Ngunit ang tanong, Isinisagawa pa ba ito?


Karamihan sa atin ay gumagawa ng lista ng New Year's Resolution, hindi pa man natatapos ang taon may nakahandang listahan na. Ngunit, marami rin sa atin ay hanggang sulat at isip lamang ang naaabot ng mga resolusyong ito kumbaga, puro kasinungalingan lang naman ito. Halimbawa, sasabihin mo na ang New Year's Resolution mo ay magdadiet, gagawin mo ng ilang araw o buwan, pagkatapos, kakain ka na naman ng kakain ulit? Eh, para san pa ang New Year's Resolution mo, at wala namang nangyayari.
Marami din sa atin ang "ningas-cogon", yung parang sa simula lang sisispagin gawin, tapos hindi rin naman tatapusin. Sayang ng nilaang oras, pagod, at panahon.


Para saakin ang dapat nalang nating gawin ngayong Bagong Taon, ay maging masaya, wag gumawa ng masama, at tumulong sa kapwa. At ngayong Bagong Taon, ay isang bagong pagkakataon, hindi lang para sa akin, para sayo at para sa ating lahat, kaya sana kung ano mang hindi nating mga magandang nakasanayan at pagbutihin ang mga gawing mabuti at ang mga bagay na ating kinahihiligan at gustong gawin.Makabubuti rin kung tayo ay masaya lagi sa taong ito, walang nag-aaway, walang nagkakasakitan at walang naghihirap.

Ang New Year's Resolution ko ngayong taon ay ito:

1. Sikaping matulog at magising ng maaga.
2. Sikaping pigilan at kontrolin ang galit.
3. Sikaping magpakasipag .. Huehue XD
4. Iayos ang mga gamit...ng maayos.
5. Tumulong sa gawaing-bahay 

Ang iba sa mga resoluyong iyan ay resolusyon ko na nung isang taon o nung nakaraan pa, recycled na kumbaga, lalo na ang #1. Ikatlong baitang palang ay New Year's Resolution ko na yan. Minsan kasi tinatamad na tayong gawin ito o kaya naman ay hindi lang natin kayang gawin dahil nakasanayan na natin ito. Para naman sa iba kung magbabago ka ay kung kailan handa ka na at hindi tuwing Bagong Taon. Sumasang-ayon naman ako rito, kung talagang handa ka ng baguhin ang sarili mo ay magagawa mo ito ng walang pag-aalinlangan.

Likas na talaga sa Kulturang Pinoy ang gumawa ng New Year's Resolution. Nasa atin din lang naman kung gagawin pa ba natin ito o hindi na. Pero sana, itong Bagong Taong tatahakin natin, nawa'y matiwasay at maayos, hindi lamang sa taong ito, ngunit sa susunod pang mga taon.


Isinulat nina:
Shaina Marie Villareal
Korina Irish Chantengco


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento