Bagong Taon na naman! At uso sa ating mga Pinoy na kapag Bagong taon, kailangang lahat bago, kumbaga isang bagong simula. Isa sa mga pinaghahandaan natin 'pag bagong taon ay ang: NEW YEAR'S RESOLUTION Ngunit ang tanong, Isinisagawa pa ba ito?
Karamihan sa atin ay gumagawa ng lista ng New Year's Resolution, hindi pa man natatapos ang taon may nakahandang listahan na. Ngunit, marami rin sa atin ay hanggang sulat at isip lamang ang naaabot ng mga resolusyong ito kumbaga, puro kasinungalingan lang naman ito. Halimbawa, sasabihin mo na ang New Year's Resolution mo ay magdadiet, gagawin mo ng ilang araw o buwan, pagkatapos, kakain ka na naman ng kakain ulit? Eh, para san pa ang New Year's Resolution mo, at wala namang nangyayari. Marami din sa atin ang "ningas-cogon", yung parang sa simula lang sisispagin gawin, tapos hindi rin naman tatapusin. Sayang ng nilaang oras, pagod, at panahon. Para saakin ang dapat nalang nating gawin ngayong Bagong Taon, ay maging masaya, wag gumawa ng masama, at tumulong sa kapwa. At ngayong Bagong Taon, ay isang bagong pagkakataon, hindi lang para sa akin, para sayo at para sa ating lahat, kaya sana kung ano mang hindi nating mga magandang nakasanayan at pagbutihin ang mga gawing mabuti at ang mga bagay na ating kinahihiligan at gustong gawin.Makabubuti rin kung tayo ay masaya lagi sa taong ito, walang nag-aaway, walang nagkakasakitan at walang naghihirap. Ang New Year's Resolution ko ngayong taon ay ito: 1. Sikaping matulog at magising ng maaga. 2. Sikaping pigilan at kontrolin ang galit. 3. Sikaping magpakasipag .. Huehue XD 4. Iayos ang mga gamit...ng maayos. 5. Tumulong sa gawaing-bahay Ang iba sa mga resoluyong iyan ay resolusyon ko na nung isang taon o nung nakaraan pa, recycled na kumbaga, lalo na ang #1. Ikatlong baitang palang ay New Year's Resolution ko na yan. Minsan kasi tinatamad na tayong gawin ito o kaya naman ay hindi lang natin kayang gawin dahil nakasanayan na natin ito. Para naman sa iba kung magbabago ka ay kung kailan handa ka na at hindi tuwing Bagong Taon. Sumasang-ayon naman ako rito, kung talagang handa ka ng baguhin ang sarili mo ay magagawa mo ito ng walang pag-aalinlangan. Likas na talaga sa Kulturang Pinoy ang gumawa ng New Year's Resolution. Nasa atin din lang naman kung gagawin pa ba natin ito o hindi na. Pero sana, itong Bagong Taong tatahakin natin, nawa'y matiwasay at maayos, hindi lamang sa taong ito, ngunit sa susunod pang mga taon. Isinulat nina: Shaina Marie Villareal Korina Irish Chantengco
Blog Entry #1 Habang ako ay nanonood ng TV, ilang araw nang makalipas, isang balita ang pumukaw ng aking atensyon. Ito ay tungkol sa tinaguriang "WORD OF THE YEAR" ngayong taon ng 2013, at ito ay ang salitang: SELFIE.
Ayon sa nabasa ko sa internet, ang selfie ay isang retratong kinuhanan mo ng isang digital na bagay, mapacamera man o cellphone at ang iyong kinukuhanan ng retrato ay ang iyong sarili. Kaya nga "selfie" diba? Galing sa salitang Ingles na "self" o sarili. Gaya ng mga ito: (hindi po ako nagpaalam na kunin ang mga selfieng yan sa mga kaklase ko xD)
(photo credits kina: Shaina Villareal, Korina Chantengco, Sophia Agne, Jemica Magbanua at Peter Tagub) Ayon sa "State of the Nation", palabas na kung saan ay pinangungunahan ni Jessica Soho, ang salitang "selfie" raw ay nagmula sa bansang Australia, at dahil tayong mga Noypi ay hindi pahuhuli sa uso, lumaganap ang selfie, di lamang sa Pilipinas, ngunit sa buong mundo. Ma pa normal na tao, celebrity, presidente man, maging ang Santo Papa ay nagseselfie na rin!
(video credits sa: State of the Nation; Nakuha sa YouTube) Totoo ngang laganap na ang selfie, at dahil nga sa kasikatan nito, ay ginawan na ito ng kanta. Sa katunayan nga meron pa itong iba't ibang version, kagaya ng duck lips, pout, kunyaring stolen atbp. Ngunit sa kabilang ng pagkahumaling natin karamihan sa pag se-selfie ay mayroong negatibong pag-alma tungkol dito. Ayon sa isang psychologist, ang kabataan ngayon ay itinuturing na "Selfie Generation", ang pagseselfie daw ay isang simbolo ng pagkahumaling sa kanyang sarili, at pagkamakasarili, puro na lang daw "Me, me, ME!" (video credits kay: Lloyd Cadena; Nakuha sa YouTube) Pinabulaanan naman ito ng mga tinedyer, ayon sa kanila, ang pagselfie ay isa lamang paraan ng pampalipas oras. Ayon din sa naturang palabas, maraming kabataan nga raw ang nagpamigay ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Yolanda, at marami ring kabataan ang tumulong sa pagrepack ng relief goods. Sa panahon nga naman ng teknolohiya, minsan napapansin natin na iba na nga talaga ang henerasyon ngayon, dahil na rin sa teknolohiya at sa social media. Lagi nating tatandaan na lahat ng sobra ay nakasasama. Tandaan rin na ang selfie ay paraan lamang na magpalipas oras at hindi prayoridad.
(video credits kina: Davey Langit at Jamich; Nakuha sa YouTube) Isinulat ni, Shaina Marie O. Villareal p.s. Kaya asul ang kulay nito, ay dahil kulay asul ang uniporme namin eh, hehe. At kung bakit sa artikulong ito ay hindi gumamit ng Taglish o Ingles ang Inglesyerang tulad ko, at sa halip ay Filipino ang gamit ko? Aba'y hindi ko rin alam, itanong niyo sa guro ko sa Filipino :D