Habang ako ay nanonood ng TV, ilang araw nang makalipas, isang balita ang pumukaw ng aking atensyon. Ito ay tungkol sa tinaguriang "WORD OF THE YEAR" ngayong taon ng 2013, at ito ay ang salitang:
SELFIE.
Ayon sa nabasa ko sa internet, ang selfie ay isang retratong kinuhanan mo ng isang digital na bagay, mapacamera man o cellphone at ang iyong kinukuhanan ng retrato ay ang iyong sarili. Kaya nga "selfie" diba? Galing sa salitang Ingles na "self" o sarili.
Gaya ng mga ito: (hindi po ako nagpaalam na kunin ang mga selfieng yan sa mga kaklase ko xD)


(photo credits kina: Shaina Villareal, Korina Chantengco, Sophia Agne, Jemica Magbanua at Peter Tagub)
Ayon sa "State of the Nation", palabas na kung saan ay pinangungunahan ni Jessica Soho, ang salitang "selfie" raw ay nagmula sa bansang Australia, at dahil tayong mga Noypi ay hindi pahuhuli sa uso, lumaganap ang selfie, di lamang sa Pilipinas, ngunit sa buong mundo. Ma pa normal na tao, celebrity, presidente man, maging ang Santo Papa ay nagseselfie na rin!
(video credits sa: State of the Nation; Nakuha sa YouTube)
Totoo ngang laganap na ang selfie, at dahil nga sa kasikatan nito, ay ginawan na ito ng kanta. Sa katunayan nga meron pa itong iba't ibang version, kagaya ng duck lips, pout, kunyaring stolen atbp. Ngunit sa kabilang ng pagkahumaling natin karamihan sa pag se-selfie ay mayroong negatibong pag-alma tungkol dito. Ayon sa isang psychologist, ang kabataan ngayon ay itinuturing na "Selfie Generation", ang pagseselfie daw ay isang simbolo ng pagkahumaling sa kanyang sarili, at pagkamakasarili, puro na lang daw "Me, me, ME!"
(video credits kay: Lloyd Cadena; Nakuha sa YouTube)
Pinabulaanan naman ito ng mga tinedyer, ayon sa kanila, ang pagselfie ay isa lamang paraan ng pampalipas oras. Ayon din sa naturang palabas, maraming kabataan nga raw ang nagpamigay ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Yolanda, at marami ring kabataan ang tumulong sa pagrepack ng relief goods.
Sa panahon nga naman ng teknolohiya, minsan napapansin natin na iba na nga talaga ang henerasyon ngayon, dahil na rin sa teknolohiya at sa social media. Lagi nating tatandaan na lahat ng sobra ay nakasasama. Tandaan rin na ang selfie ay paraan lamang na magpalipas oras at hindi prayoridad.
(video credits kina: Davey Langit at Jamich; Nakuha sa YouTube)
Isinulat ni,
Shaina Marie O. Villareal
p.s.
Kaya asul ang kulay nito, ay dahil kulay asul ang uniporme namin eh, hehe. At kung bakit sa artikulong ito ay hindi gumamit ng Taglish o Ingles ang Inglesyerang tulad ko, at sa halip ay Filipino ang gamit ko? Aba'y hindi ko rin alam, itanong niyo sa guro ko sa Filipino :D